|
||||||||
|
||
Sa Bandar Seri Begawan, Brunei—Binuksan dito kagabi ang ika-22 ASEAN Summit. Patuloy na magpopokus ang pulong sa pagpapasulong ng konstruksyon ng ASEAN Community, at natamong progreso ng iba't ibang bansa sa pagpapatupad ng "Karta ng ASEAN."
Sa ASEAN Summit sa Phnom Penh, Kambodya, noong isang taon, ipinangako ng mga lider ng iba't ibang bansang ASEAN na itatag ang ASEAN Community bago ang ika-31 ng Disyembre, 2015. Kaya sa kasalukuyang summit, tatalakayin nila, pangunahin na, ang paksang may kinalaman sa konstruksyon ng naturang komunidad. Kabilang dito, magsasanggunian ang mga kalahok na lider tungkol sa mga kahirapan at kalutasan sa proseso ng konstruksyon ng Security Community, Economic Community, at Social and Cultural Community. Magpapalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa mga isung panrehiyon at pandaigdig.
Noong isang taon, puspusang pinasulong ng Pilipinas ang pagkakaroon ng summit ng komong palagay sa isyu ng South China Sea. Sa katunayan, sa panahon ng kasalukuyang summit, magpopokus din ang mga lider ng ASEAN sa isyu ng katiwasayang panrehiyon. Ayon sa ulat ng media ng Brunei, nasa agenda ng kasalukuyang pulong ang isyu ng alitan sa soberanya sa South China Sea at maigting na kalagayan ng Hilagang Kroea. Nauna rito, ipinahayag naman ng panig Pilipino na patuloy na imumungkahi nito ang kooperasyon sa katiwasayang pandagat, at pagpapatupad ng "Code of Conduct on the South China Sea (COC)."
Bago buksan ang summit, mula noong ika-22 ng buwang ito, magkakasunod na dinalaw ni Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia ang Singapore,Myanmar at Brunei. Hindi umaasa ang panig Indones na masasadlak ang ASEAN sa watak-watak na kalagayan dahil sa isyu ng South China Sea, at sa gayo'y ipagpaliban ang proseso ng integrasyon ng ASEAN. Kasabay nito, bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, umaasa naman ang Brunei na aktibong magsisikap para sa pagpapalakas ng pagkakaisa ng ASEAN. Sa kasalukuyang buwan, magkakasunod na dinalaw ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei ang Tsina, Estados Unidos at Pilipinas, at gumawa siya ng diplomatikong pagsisikap para sa maalwang pagdaraos ng summit.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |