|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Francois Hollande ng Pransya. Ipinasiya nilang palakasin ang paggagalangan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at patuloy na pasulungin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Binigyang-diin ni Xi na dapat pag-ibayuhin ng Tsina at Pransya ang paggagalangan, palalimin ang pagtitiwalaan, palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig. Tinukoy din niyang dapat magkasamang magsikap ang dalawang bansa para mapasulong ang pagsasademokrasya ng pandaigdig na relasyon, at mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Hollande na dapat palakasin ng Pransya at Tsina ang diyalogo, koordinasyon, at kooperasyon sa mga malalaking isyung may kinalaman sa iba't ibang pandaigdig na hamon. Aniya, magsisikap ang Pransya, kasama ng Tsina, para mapalakas ang pagtitiwalaan at mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa, at mapaunlad ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership.
Pagkatapos ng pag-uusap, sinaksihan din ng dalawang pangulo ang paglalagda ng mga dokumentong pangkooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan at bahay-kalakal ng kani-kanilang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |