Binuksan kamakailan sa Bonn, Alemanya ang bagong round ng talastasan ng UN hinggil sa pagbabago ng klima. Sa 5-araw na talastasang ito, tatalakayin ng mahigit 1 libong kinatawan mula sa 175 bansa ng daigdig ang hinggil sa pagbalangkas ng bagong protokol hinggil sa pagbabago ng klima.
Ayon sa UN, may binding force ang bagong protokol na ito sa lahat ng mga signatoryong bansa ng United Nations Framework Convention on Climate Change, at ito ay batayan ng iba't ibang bansa ng pagpapatupad ng kombensyong ito, pagbabawas ng pagbuga ng greenhouse gas, at pagharap sa pagbabago ng klima simula taong 2020. Ayon sa plano, babalangkasin ang protokol na ito sa taong 2015 at magkakabisa sa 2020.