|
||||||||
|
||
Pagkaraang maganap ang Lindol sa Lushan noong ika-20 ng nakaraang buwan, agarang nagpadala ang People's Hospital ng lalawigang Sichuan ng mahigit 80 medical personnel sa iba't ibang nilindol na purok, bukod dito, nagpadala rin ito ng 17 medical vehicles at sapat na medikal na materyal. Sinabi ni Hu Weijian, Puno ng First-Aid Center ng The People's Hospital ng lalawigang Sichuan at Puno ng medical team, na ang naturang medical team ay katulad ng isang maliit na ospital. Umaasa rin aniya siyang sa pamamagitan ng pagsisikap ng medical team, mapapanumbalik ang kaayusang pangkalusugan sa mga nilindol na purok sa lalong madaling panahon.
Hanggang alas-otso ng umaga kahapon, nagamot ng naturang medical team ang 2688 sugatan, at naihatid ang 150 person time na sugatan nang walang kaso ng namatay sa proseso ng paghahatid.
Mula noong ika-28 ng Abril, sa halip ng pagkaloob ng medikal na serbisyo sa mga nilindol na purok, ang pokus ng gawain ng medical team ng The People's Hospital ng lalawigang Sichuan ay pagsuplay ng yamang medikal sa mga nilindol na purok at pagtulong sa mga lokal na organong medikal na mapapanumbalik ang normal na kaayusang medikal.
Sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng lokal na medikal na departamento at naturang medical team, sa kasalukuyan, unti-unti nang napapanumbalik ang normal na kaayusang pangkalusugan sa mga nilindol na purok.
Bukod sa pagkakaloob ng medikal na serbisyo, ang medical team ng Southwest Hospital ng Third Military Medical University ay nagdaos din ng "medical classes". Ang mga "estudyente " sa naturang mga klase ay kinabibilangan ng mga sundalo ng grupong panaklolo, mga lokal na medical personnel at ilang mamamayang biktima ng lindo. Mabisang napalaganap ng naturang aktibidad ang mga kinauukulang medical knowledge pagkaraan ng lindol.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |