|
||||||||
|
||
Sinabi ng tagapag-analisa ng S&P na ang pagtataas sa credit-rating ng Pilipinas ay nagpapakita na walang humpay na pinapabuti ng Pilipinas ang kalagayan ng kabuhayan ng kanyang bansa.
Hinggil dito, ipinalabas ng maraming mataas na opisyal ng Pilipinas ang pahayag bilang mainit na pagtanggap at pasasalamat sa naturang aksyon ng S&P. Binigyan-diin ni Cesar V. Purisima, Finance Secretary ng Pilipinas, na ito ay nagpapakita na kinikilala ng pandaigdigang pamilihan ang bunga ng pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas. Sinabi rin ni Edwin Lacierda, Tagapagsalita ng Pangulo ng Pilipinas, na ito ay nagpapakita ng pagkikilala sa mabuting pagsasa-ayos sa kabuhayan ni Pangulong Benigno Aquino III. At ipinahayag ni Florencio Abad, Budget Secretary ng Pilipinas na ang naturang aksyon ng S&P ay mabisang magpapasigla sa pamahalaan ni Benigno Aquino III para patuloy na pasulungin ang reporma.
Ipinahayag naman ni Melito Salazar, Jr, Tagapangulo ng Management Association of the Philippines (MAP) na ang pagtataas ng S&P ng credit-rating ng Pilipinas ay makakatulong sa pag-aakit ng mas maraming investors.
Para makaakit ng mas maraming investors na dayuhan, sa mula't mula pa'y, umaasa ang pamahalaan ng Pilipinas na itaas ng mga pandaigdigang credit-rating agencies ang credit-rating ng Pilipinas. Noong ika-27 ng Marso, unang-unang itinaas ng Fitch Ratings ang credit-rating ng Pilipinas sa antas ng "pamumuhunan". Sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakuha ito ng credit-rating sa antas ng pamumuhunan mula sa pandaigdigang pangunahing credit-rating agency. Sa kasalukuyan, itinaas rin ng S&P ang credit-rating ng Pilipinas. Kaya, ang Moody's na lamang ang credit-rating agency na hindi nagtataas ng credit-rating ng Pilipinas.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |