|
||||||||
|
||
Sa kabuuang 222 luklukan ng mababang kapulungan, nakuha ng Barisan National ang 133. Nang araw rin iyon, pagkatapos mabatid ng BN ang naturang ulat, sinabi ni Najib Razak, Punong Ministro ng Malaysia at Tagapangulo ng BN, na magdaraos ang kanyang partido ng isang preskon na magpapatalastas ng kanilang pagkapanalo.
Pero, sa naturang halalan, malaki ang hamon na kinakaharap ng BN mula sa partido oposisyon. Ayon pa sa ulat ng media ng Malaysia, ipinahayag ngayong madaling araw ng People's Alliance (PA), unyon ng partido oposisyon ng Malaysia, na hihintayin nito ang opisyal na pagpapatalastas ng lupong elektoral ng Malaysia hinggil sa pinal na resulta ng halalang ito. Umaasa rin lulutasin ng lupong elektoral ang ilang kuwestiyon na iniharap nito.
Sa pamumuno ni Anwar Ibrahim, dating Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia, tinanggihan din ng PA ang di-opsiyal na resulta ng halalan dahil nagkaroon anila ng dayaan.
Hinggil dito, ipinahayag ni Najib Razak na umaasa siyang tatanggapin ng partido oposisyon ang bunga ng halalan batay sa bukas na pakikitungo. Umaasa rin siyang pagkatapos buuin ng Barisan National ang bagong pamahalaan, mapapahintulutan ng partido oposisyon ang maalwang pagsasagawa sa proseso ng demokrasya.
Pero, kasabay nito, ipinahayag ni Najib na sa halalang ito, naganap ang polarisasyon ng mga botante, at ito ay ikinatakot niya. Ipinahayag pa niyang kung walang kalutasan ang tunguhing ito, maaaring lumitaw ang alitan sa loob ng Malaysia.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |