Pumunta kahapon sa Coconut Palace sa Maynila si Yao Ming, basketball star ng Tsina, para gumawa ng courtsey call kay Pangalawang Pangulong Jejomar Binay ng Pilipinas.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Binay na maraming pagkakahawig ang mga mamamayang Pilipino at Tsina, at isa sa mga ito ay ang pagkahilig sa basketbol. Dagdag pa ni Binay, ang pamumuno ni Yao ng kanyang basketball team sa Pilipinas ay pagpapatuloy ng pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng mga mamamayang Pilipino at Tsina. Umaasa aniya siyang darami pa ang ganitong pagpapalitan ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Yao ang panig Pilipino sa mainit na pagtanggap sa kanya at koponan niya. Inanyayahan din niya ang mga basketball team ng Pilipinas na dumalaw sa Shanghai.
Salin: Liu Kai