"Sa kasalukuyan, mabunga ang mapagkaibigang talastasan ng India at Tsina. Parehong umurong ang dalawang panig mula sa stand-off point sa hanggahan." Ito ang ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapasalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang preskon kahapon.
Sinabi ni Hua na pagkaraang maganap ang naturang insidente, isinasagawa ng dalawang panig ang konstruktibong atityud, at ipinagpapatuloy ang diplomatikong pagsasanggunian.
Sinabi rin ni Hua na ang pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan sa hanggahan ng Tsina at India ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng India para marating ang kasunduan hinggil sa naturang isyu, na matatanggap ng dalawang panig.