|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, si Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina ay dumating ng Beijing kamakalawa at pinasimulan ang kanyang pagdalaw sa bansa. Nakipag-usap kahapon ng umaga dito sa Beijing si Pangulong Xi kay Abbas at sa naturang pag-uusap, iniharap ni Xi ang 4 na paninindigan ng Tsina hinggil sa paglutas sa isyu ng Palestina. Ipinahayag ni Abbas na sa mula't mula pa'y, sinang-ayunan at kinakatigan ng kanyang bansa ang anumang paninindigan na inihaharap ng mga lider ng Tsina. Sinabi niyang ang Tsina ay isang makatarungang bansa at nananalig siyang tiyak na patitingkarin ng Tsina ang mahalaga at pundamental na papel sa prosesong pangkapayapaan.
Nang mabanggit ang prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel na nasa deadlock, ipinalalagay ni Abbas na ang pagtatatag ng purok panirahan ng Israel sa mga sinakop na teritoryong Palestino ay mahalagang dahilan na humahadlang sa muling pagsisimula ng talastasang pangkapayapaan ng dalawang panig.
Isiniwalat ni Abbas na ang pagdalaw niya sa Tsina ay naglalayong ipaalam ang pinakahuling pangyayari sa proseso ng relasyon ng Palestina at Israel at kalagayan ng mga bansang Arabe. Bukod dito, sa pagdalaw na ito, malalim na tatalakayin ng Tsina at Palestina ang pagpapalakas ng bilateral na kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang panig. Sisimulan din ng dalawang panig ang kooperasyon sa larangan ng malinis na enerhiya.
Ipinalalagay ni Abbas na ang magiging bunga ng pagdalaw na ito ay "napakaganda", umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pagdalaw, lalo pang uunlad ang relasyong pangkabigan ng Tsina at Palestina.
Umaasa rin si Abbas na sa pamamagitan ng Serbisyong Arabe ng CRI, maipaparating ang pagkakaibigan ng mga mamamayan mula sa lahat ng bansang Arabe sa mga mamamayan at lider ng Tsina. Mag-aanyaya rin siya ng mga mamamayang Tsino na dumalaw sa mga bansang Arabe.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |