Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Unang Ekspo ng Tsina at Timog Asya, binuksan

(GMT+08:00) 2013-05-08 17:08:38       CRI

Sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina—idaraos dito ang unang Ekspo ng Tsina at Timog Asya mula ika-6 hanggang ika-10 ng susunod na buwan. Tinukoy ng opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ilalatag ng naturang ekspo ang plataporma para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansa ng Timog Asya sa iba't ibang antas at larangan.

Ipinahayag ni Gao Shuxun, Pangalawang Gobernador ng Yunnan, na ang Ekspo ng Tsina at Timog Asya ay magsisilbing mahalagang tulay ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa pagitan ng Tsina at Timog Asya, at plataporma para sa pagpapalawak ng pakikipagpalitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Timog Asya sa iba pang bansa at rehiyon. Aniya,

"Ang Ekspo ng Tsina at Timog Asya ay isang mahalagang plataporma. Sa pamamagitan ng platapormang ito, papasok sa pamilihang Tsino ang mga paninda ng iba't ibang bansa sa Timog Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, Indian Ocean Rim, at ilang bansang Aprikano. Ipo-promote din ng Tsina ang sariling paninda sa Timog Asya at ibang bansa."

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagiging pangunahing trade partner at bansang pinanggagalingan ng puhunang dayuhan ng mga bansang Timog Asyano. Ang mga bansa sa Timog Asya naman ay mahalagang pamilihan ng nakontratang proyekto sa ibayong dagat at destinasyon ng pamumuhunan ng Tsina. Ayon sa estadistika, mula noong taong 2000 hanggang 2012, tamaas na sa 93 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng kapuwa panig mula dating 5.7 bilyong dolyares. Lumampas sa 26% ang taunang karaniwang paglaki nito. Hanggang noong katapusan ng 2012, 106.4 bilyong dolayres ang kabuuang halaga ng nakontratang proyekto ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga bansa ng Timog Asya. Napakalaki ng espasyo ng pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan nila sa hinaharap. Sa susunod na hakbang, palalalimin ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng kalakalan, pamumuhunan, turismo at iba pa.

Napag-alaman, sa panahon ng ekspong ito, itataguyod ang isang serye ng mga porum, para talakayin ang kalutasan sa mga konkretong kahirapan at problema sa proseso ng kooperasyon ng Tsina at Timog Asya.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>