|
||||||||
|
||
Iniharap kahapon ng Pentagon sa Kongreso ng Estados Unidos (E.U.) ang "Annual Report on Military and Security Developments Involving the People's Republic of China 2013." Sa ulat na ito, muling sinabi ng Pentagon, na ang Tsina ay "bantang militar" at "hindi transparent ang puwersang militar" nito. Binatikos din nito ang tumpak na aksyon ng Tsina para mapangalagaan ang soberanya at karapatan ng bansa. Ayon pa sa nasabing ulat, duda ang Pentagon sa estratehiya at patakarang pandepensa ng Tsina. Tungkol dito, ipinahayag ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na hindi natutuwa ang panig Tsino sa nasabing ulat, at buong tatag itong tinututulan ng Tsina. Nagharap na rin aniya ng solemnang representasyon ang Tsina sa Amerika..
Tinukoy ni Geng na iginigiit ng Tsina ang landas ng mapayapang kaunlaran at pagtatanggol sa patakarang pandepensa. Aniya, ang pagdaragdag ng laang-gugulin sa depensa ay para mapangalagaan ang soberanya, kaligtasan, at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at hindi ito nakatuon sa anumang bansa o target.
Ipinahayag ni Geng na sapul noong 2012, gumawa ng kaguluhan ang mga kapitbansa ng Tsina, ito nga ang pinag-uugatan ng kasalukuyang tensyon.
Binigyan-diin ni Geng na eksaberado ang sinabi ng E.U. tungkol sa pagiging "bantang militar" di-umano ng mainland Tsina sa Taiwan. Ani Geng, ito ay para makahanap lamang ng dalihan ang E.U. upang makapagbenta ito ng santada sa Taiwan. Buong tatag aniya itong tinututulan ng Tsina.
Aniya pa, ang naturang ulat ng Amerika ay taliwas sa pagtatatag ng malusog, matatag at maaasahang relasyong militar ng Tsina at E.U., at ito rin ay nakakapinsala sa pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |