Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, "mas aktibo at kusang-loob" na magpapasulong sa mapayapang paglutas sa isyu ng Palestina at Israel

(GMT+08:00) 2013-05-09 16:59:06       CRI

Natapos kamakalawa ang tatlong-araw na dalaw-pang-estado ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina sa Tsina. Samantala, noong ika-6 ng buwang ito, sinimulan ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel ang kanyang 5-araw na opisyal na pagdalaw sa Tsina. Ipinahayag ng tagapag-analisa na ang ganitong magkasunod na pagdalaw sa Tsina ng mga lider ng Palestina at Israel ay nagpapakitang "mas aktibo at kusang-loob" na pasusulungin ng Tsina ang mapayapang paglutas sa isyu ng Palestina at Israel. Naghatid din ito ng signal ng ilang pagbabago sa patakarang diplomatiko ng Tsina.

Ang naturang dalawang pagdalaw ay nakatawag ng lubos na pansin ng komunidad ng daigdig. Umaasa ang mga tao na bilang isa sa mga pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC), mapapasulong ng Tsina ang pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel na naputol nang maraming taon. Ang isyu ng Palestina ay nukleo ng isyung Gitnang Silangan.

Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Abbas sa Tsina bilang Pangulo ng Palestina. Siya rin ang unang lider ng mga bansa sa Gitnang Silangan na dumalaw sa Tsina sapul nang mahalal ang bagong lideratong Tsino.

Sinabi ni Hua Liming, dating Embahador ng Tsina sa Iran, na nagpapakita ito, hindi lamang ng pinakahuling pagkabahala ng bagong lider ng Tsina sa prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan, kundi maging ng pananabik ng mga bansa sa Gitnang Silangan na marinig ang maliwanag na tinig ng Tsina, at makita ang konstruktibong papel ng Tsina. Aniya, mas aktibo ang komprehensibong kaisipang diplomatiko ng Tsina, at ang Tsina ay unti-unting nagiging kinakailangang puwersa ng pangangalaga sa kayapaan at katatagan ng daigdig.

Nitong nakalipas na ilang taon, dahil sa pagsiklab at pagsulong ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, humihigpit nang humihigpit ang relasyon ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Silangan. Kasabay nito, malinaw na lumakas ang impluwensiya ng Tsina sa rehiyong ito. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Israel sa Asya at ika-3 pinakamalaking trade partner sa buong mundo.

Tulad ng sabi ni An Huihou, dating Embahador ng Tsina sa Ehipto, masusing masusi ang katuturan ng prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan para sa Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>