Sa pag-uusap nila kahapon dito sa Beijing ng kanyang Indian counterpart na si Salman Khurshid, sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na naging mas mahalaga ang relasyong Sino-Indiano para sa komunidad ng daigdig, at may malaking potensyal ang relasyong ito. Aniya pa, sa bisperas ng pagdadalawan sa mataas na antas, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng India para pasulungin ang kanilang bilateral na relasyon sa bagong antas. Sinabi rin ni Wang na umaasa ang Tsina na mapapabilis ang talastasan hinggil sa isyung panghanggahan. Bago ito, dapat pangalagaan ng dalawang panig ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong nabanggit.
Sinabi naman ni Salman Khurshid na mas mahalaga ang papel ng Tsina at India sa mga suliraning pandaigdig. Ang pagpapahigpit ng pagtutulungan ng Tsina at India ay angkop hindi lamang sa komong interes ng dalawang bansa, kundi maging sa buong Asya. Umaasa aniya siyang mapapalawak pa ng Sino-Indiano high level visits ang kanilang pagtutulungan sa iba't ibang larangan.