|
||||||||
|
||
Mula ika-29 ng nagdaang Abril hanggang ika-5 ng buwang ito, salamat sa pagpapasulong ng dalawang pelikulang "So Yung" at "Iron Man III", may bagong rekord ngayon sa takilya ang pamilihan ng pelikula ng Tsina. Lumampas sa 900 milyong yuan RMB ang box office noong isang linggo, at ang datos na ito ay lumapit sa kabuuang box office ng pamilihang Tsino noong taong 2002. Sa kabila ng impact ng Hollywood films, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng pelikulang Tsino.
Sa katunayan, sapul noong huling hati ng nagdaang taon, lumitaw ang nakatutuwang pagbabago sa pamilihan ng pelikulang Tsino. Ang pelikulang "Lost in Thailand" na ipinalabas noong katapusan ng nagdaang taon ay unang pelikulang Tsino na tumabo ng mahigit 1.2 bilyong yuan RMB sa box office.
Noong unang hati ng taong 2012, nasa masamang kondisyon ang pelikulang Tsino. Noong Pebrero ng taon ding iyon, narating ng Tsina at Amerika ang kasunduan batay sa kinauukulang memorandum ng pelikula ng World Trade Organization. Ayon sa kasunduang ito, mula taong 2012, bukod sa dating 20 inaangkat na pelikulang Amerikano bawat taon, daragdagan ng Tsina ang pag-aangkat ng 14 na hay-tek na pelikulang Amerikano. Sanhi ng impact ng mga pelikula mula sa Hollywood, bumaba minsan sa 30% ang kota ng pamilihan ng pelikulang Tsino.
Noong huling hati ng nagdaang taon, bunga ng pagpapalabas ng isang batch ng mga magagandang pelikulang Tsino, umabot sa 17.3 bilyong yuan RMB ang kabuuang box office ng nabanggit na mga palikula noong taong 2012, at lumampas sa 48% ang kota ng pamilihan nito, bagay na nagpalakas ng kompiyansa sa pelikulang Tsino.
Pagkatapos nito, nagpatuloy ang mainam ng tunguhin ng pag-unlad ng pelikulang Tsino. Noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, lumampas na sa 5.1 bilyong yuan RMB ang box office ng pelikulang Tsino, at mahigit 69% ang kota ng pamilihan nito, na lumaki nang 30% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ipinalalagay ni Zhang Hongsen, Opisyal ng State Administration of Press Publication, Radio, Film and Television, na dapat ibayo pang pataasin ang kalidad ng pelikulang Tsino, at igalang ang kalakaran ng pamilihan para magkamit ng bagong progreso at pag-unlad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |