Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Pangalawang Punong Ministro Nguyen Thien Nhan ng Biyetnam.
Sinabi ni Li na ang pagpapanatili ng Tsina at Biyetnam ng pag-uugnayan sa mataas na antas, pagpapalalim ng kooperasyon sa iba't ibang larangan, at maayos na paghawak sa mga pagkakaiba ay angkop sa saligang interes ng mga mamamayan ng kapwa bansa, at mahalaga rin para sa katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito. Dagdag niya, dapat mabuting kontrolin at lutasin ng dalawang bansa ang kanilang pagkakaiba sa isyu ng South China Sea, para hindi ito makahadlang sa pag-unlad ng bilateral na relasyon at pagtutulungan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Nguyen na nakahanda ang Biyetnam, kasama ng Tsina, na ipatupad ang mga narating na komong palagay, at maayos na hawakan ang isyu ng South China Sea, para mapataas sa bagong lebel ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa.