Idinaos ngayong araw sa Beijing ang ika-6 na pulong ng lupong tagapatnubay ng Tsina at Biyetnam sa bilateral na kooperasyon.
Narating sa pulong ang malawakang komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng Tsina at Biyetnam. Sinang-ayunan nilang pabilisin ang pagsasanggunian hinggil sa pagbalangkas ng plano ng aksyon ng pagpapatupad ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Inulit din ng dalawang bansa ang paggigiit sa paglutas sa hidwaang pandagat sa pamamagitan ng magiliw na pagsasanggunian at mapayapang talastasan. Sinang-ayunan nilang komprehensibong ipatupad ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.