|
||||||||
|
||
Ang insidenteng naturan ay nagdulot ng pagkapoot sa kabuaang Taiwan. Nitong ilang araw na nakalipas, sunud-sunod itong kinondena ng iba't ibang sirkulo ng Taiwan. Sa internet, patuloy din ang pag-aaway ng mga netizens ng Taiwan at Pilipinas.
Ayon sa ulat ng kinauukulang departamento ng Taiwan, hindi narating ng Taiwan at Pilipinas ang komong palagay hinggil sa arrangement ng pangingisda sa naturang karagatan. Pero, ipinahayag ng ipinahayag ng namamahalang tauhan ng departamento sa mga suliraning panlabas ng Taiwan na sa anumang kalagayan, hindi maaaring salakayin ng Pilipinas ang walang sandatang bapor-pangisda ng Taiwan.
Ayon sa ulat ng mass media ng Taiwan, nitong ilang taong nakalipas, regular na nakaranas ang mga bapor-pangisda ng Taiwan ng paghuli mula sa mga bapor ng Pilipinas. Kaya, ang muling pagkaganap ng katulad na insidente ay nagdulot ng pagkapoot ng iba't ibang sirkulo ng Taiwan. Ipinahayag ni Ma Ying-jeo, Lider ng Taiwan na ang pagbaril ng Pilipinas sa walang sandatang mangingisda ng Taiwan ay magaslaw at cold-blooded na aksyon, at hiniling niya sa Pilipinas na dapat humingi ng paumanhin, parusahan ang kriminal at magbigay ng kompensasyon sa mga biktima. Kinondena rin ang insidenteng ito ni Hau Lung-pin, Alkalde ng Taipei, at ipinahayag niyang dapat itigil ang lahat ng akdibidad ng pagpapalitan sa pagitan ng Taipei at mga lunsod ng Pilipinas.
Noong ika-10 ng buwang ito, humingi ng paumanhin si Antonio. Basilio, Kinatawan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan, sa pamiliya ni Hung Shih-cheng at ipinahayag din ang pakikiramay. Noong ika-11 ng buwang ito, idinaos ni Ma Ying-jeo ang pulong sa mataas na antas at iniharap ang 4 na solemnang kahilingan sa Pilipinas. Ayon dito, kung walang reaksyon mula sa Pilipinas sa loob ng 72 oras, isasagawa ng Taiwan ang mga hakbanging tulad ng pagpi-freeze ng pag-eempleyo ng mga manggagawang Pilipino.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |