Sa pakikipag-usap kahapon ng hapon sa telepono sa kanyang counterpart na Malaysian na si Najib Razak, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ang pagbati sa muling panunungkulan ng huli bilang Punong Ministro.
Sinabi ni Li na sa harap ng mainam na pagkakataong pangkaunlaran, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia, para ibayo pang mapasulong ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, lalo na sa kalakalan, pamumuhunan, at kultura. Aniya pa, palalalimin pa ng Tsina ang pakikipagtulungang may mutuwal na kapakinabnagan sa ASEAN.
Pinasasalamatan naman ni Najib ang pagbati ng Premyer Tsino. Sinabi niya na may malaking potensyal ang kooperasyon ng Tsina at Malaysia. Positibo rin ito sa tagumpay na natamo ng Tsina sa pagpapasulong ng lipunan at kabuhayan ng bansa. Nakahanda aniya ang Malaysia na pasulungin pa ang mapagkaibigang relasyon sa Tsina.