Ipinahayag kahapon ni Punong Ministrong Najib Tun Razak ng Malaysia, na umaasa siyang ibayo pang lalalim ang pagtutulungan ng Malaysia at Tsina, lalo na sa kalakalan at kabuhayan.
Sinabi ni Najib na sa kanyang pakikipag-usap kamakailan sa telepono kay Premyer Li Keqiang ng Tsina, nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa kung paano palalalimin ang bilateral na relasyon ng dalawang panig. Aniya, sa kasaysayan, may matatag at matagal nang relasyong pangkaibigan ang Tsina at Malaysia, at sa kasalukuyan, ang kooperasyong pangkalakalan at pangkabuhayan ng dalawang panig ay makakatulong din sa sustenableng kaunlarang pangkabuhayan ng Malaysia. Umaasa ang Malaysia na sa hene-henerasyon pang darating, lalo pang lalakas ang pagkakaibigan ng dalawang panig, dagdag pa niya.