|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wu Zhuang, Puno ng Fishery Administration ng South China Sea, na ang taong ito ang kauna-unahang taon ng ceasefishing pagkatapos iharap sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina ang estratehiya ng "pagkakatatag ng malakas na bansa sa pamamagitan ng dagat". Kaya, espesyal na palalakasin ng Fishery Administration ng South China Sea ang pagsasagawa ng batas, para igarantiya ang matagalan, matatag, at ligtas na proseso ng Summer Ceasefishing sa South China Sea.
Ipinahayag rin ni Wu na noong nakaraang ilang taon, sa panahon ng Summer Ceasefishing, mayroong mga bapor-pangisdang dayuhan na pumasok sa Beibu Gulf, Xisha at ibang dagat ng Tsina para sa pangingisda. Sa taong ito, palalakasin ng Fishery Administration ng South China Sea ang pagsusuperbisa at pamamahala sa naturang mga dagat. Kung papasok ang mga bapor-pangisda ng ibang mga bansa sa teritoryo ng dagat ng Tsina, parurusahan ang mga ito ayon sa kinauukulang batas ng Tsina. Sinabi ni Wu na isasagawa ng Tsina ang malakas na hakbangin para pangalagaan ang karapatan ng dagat ng Tsina at mga mangingisdang Tsino.
Kasabay ng pagpapalakas ng pagsusuperbisa at pamamahala sa panahon ng Summer Ceasefishing, palalakasin din ng Fishery Administration ng South China Sea ang fishery protection. Ayon pa sa ulat, ang Yuzheng 311, vessel ng Tsina, ay pumunta kahapon sa Nansha para sa pamamatrolyang pandagat at pangangalaga sa mga yaman nito.
Bukod dito, sa angkop na panahon, i-oorganisa ng Fishery Administration ng South China Sea ang mga kinauukulang puwersa ng pangingisda ng lalawigang Guangdong, Fujian, at iba pa, at palalakasin din ang pagsusuperbisa at pamamahala sa kalagayan ng ceasefishing sa mga dagat na malapit sa Taiwan, para pangalagaan ang kaayusan ng ceasefishing sa magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |