|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagkasindak at pagkapoot sa pananalita ng isang opisyal Hapones hingil sa isyu ng "comfort women" noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).
Sa isang regular na preskon, hinimok ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas Tsina ang Hapon, na tumpak na pagmuni-munihan ang sariling kasaysayan para matamo ang tiwala ng mga kapitbansa at komunidad ng daigdig.
Ipinahayag kamakailan ni Toru Hashimoto, Alkalde ng Osaka at puno ng Japan's Restoration Party ang kanyang kahandaan na makipagtagpo sa dalawang Koreanong "comfort women" at humingi ng paumanhin. Pero, itinanggi niyang sapilitang nangalap ng "comfort women" ang panig Hapones.
Binigyang-diin ng tagapagsalitang Tsino na ang sapilitang pangangalap ng ""comfort women" ay grabeng krimen na ginawa ng hukbong Hapones noong WWII at isa itong isyu ng karapatang pantao na may kaukulan sa dignidad ng mga biktima.
Dagdag pa ni Hong, ikinapopoot ng Tsina ang pananalita ng nasabing opisyal Hapones dahil isa itong lantarang hamon sa karatungang pangkasaysayan at budhi ng sangkatauhan.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |