|
||||||||
|
||
Si Dr NG Eng Hen, Minister for Defence ng Singapore, ay bumigkas ng talumpati sa seremoniya ng pagbubukas ng 9th IMDEX Asia
Mula ika-14 hanggang ika-16 ng buwang ito, sa Changi Exhibition Centre ng Singapore, idinaos ang 9th International Maritime Defence Exhibition & Conference (IMDEX) Asia na nilahukan ng 194 na kompanya mula sa 29 na bansa.
Sa seremoniya ng pagbubukas ng 9th IMDEX Asia , ipinahayag ni Dr NG Eng Hen, Minister for Defence ng Singapore, na ipinagkaloob ng IMDEX Asia ang mahalagang plataporma para sa pagpapalitan ng palagay at pagpapalakas ng kooperasyon ng mga dalubhasa sa suliraning pandepansa ng iba't ibang bansa. Umaasa siyang mapapalakas ng iba't ibang bansa ang diyalogo at kooeprasyon.
Para sa iba't ibang bansa ng buong daigdig, napakahalaga ng kaligtasan sa dagat. isinasabalikat ng dagat ang 90% na transportasyon ng kalakalang pandaigdig. Pero, sa kasalukuyan, kinakaharap ng kaligtasan sa dagat ang maraming hamon na tulad ng atake ng mga pirata, likas na kalamidad, at iba pa.
Sa kanilang talumpati, ipinahayag ng mga heneral ng hukbong pandagat ng iba't ibang bansa na ang magkakasamang pangangalaga sa kaligtasan sa dagat at paggarantiya sa walang sagabal na tsanel na pangkalakalan ay angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga bansa sa rehiyong Asiya-Pasipiko ang maraming kooperasyon sa mga suliraning pandagat. Unang-una, itinatag na ang plataporma ng diyalogo at komunikasyon na kinabibilangan ng The Shangri-La Dialogue, ASEAN Regional Forum, Summit ng Silangang Asiya, at iba pa. Ikalawa, aktibong pinasusulong ang kooperasyon sa larangang militar: pinalalakas rin ang pagbabahaginan ng kinauukulang impormasyon. Sa 9th IMDEX Asia, isinagawa ng mahigit 30 bansa ang magkakasanib na pagsasanay hinggil sa pagbabahaginan ng impormasyon.
Sa 9th IMDEX Asia 2013, ipinahayag ni Jiang Weilie, Komander ng South China Sea Fleet, na bilang isang matatag na puwersa ng pagpapasulong ng may harmoniyang dagat, sa mula't mula pa'y, aktibong isinasabalikat ng hukbong pandagat ng Tsina ang kinauukulang obligasyong pandaigdig, at nainindigang lutasin ang iba't ibang alitan sa dagat sa mapayapang paraan.
Bukod dito, ipinahayag rin ni Jiang na bilang mahalagang puwersa ng paggarantiya ng kaligtasan ng South China Sea, sa hinaharap, patuloy na aktibong mapapangalagaan ng hukbong pandagat ng Tsina ang kapayapaan, katatagan at kaligtasan sa dagat ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |