Nagdemonstrasyon kahapon sa harapan ng gusali ng pamahalaang munisipal ng Osaka, Hapon, ang isang lokal na organisasyong sibil, bilang pagkondena sa maling pananalita ni Toru Hashimoto, alkalde ng lunsod na ito, hinggil sa isyu ng "comfort women."
Isinumite ng naturang organisasyon sa pamahalaang munisipal ng Osaka ang isang liham bilang protesta kay Hashimoto at sinabi nitong labis na mali ang pakikitungo niya sa kababaihan. Hiniling din nila kay Hashimoto na bawiin ang maling pananalita, humingi ng paumanhin, at magbitiw sa tungkulin.