Ayon sa ulat kahapon ng tanggapan ng UN High Commissioner for Refugees, lumampas na sa 1.5 milyon ang bilang ng mga Syrian refugees na dinulot ng sagupaan sa bansang ito.
Sinabi ng tagapagsalita ng tanggapang ito na ang naturang bilang ay mga naitalang Syrian refugees sa mga bansang nakapaligid na gaya ng Jordan, Lebanon, Turkey, Iraq, Ehipto, at iba pa. Aniya, mas malaki ang aktuwal na bilang, dahil maraming di-naitala.
Sinabi rin ng nabanggit na tagapagsalita na malaki ang kakulangan sa mga bagay-bagay na maipagkakaloob sa naturang mga refugees, at mabilis na lumala ang kanilang kalagayan nitong nakalipas na 4 na buwan.