|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Manmohan Singh, Punong Ministro ng India, isasagawa ni Li Keqiang ang dalaw-pang-estado doon mula ika-19 hanggang ika-22 ng buwang ito.
Sinabi naman ni Wei na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng mga kooperasyon ng dalawang bansa sa imprastruktura, sonang industriyal, at pinansya, ipinahayag ni Wei na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Premyer Li, palalalimin ng dalawang bansa ang bilateral na kooperasyon sa naturang mga larangan.
Dagdag pa ni Wei, puno siya ng pag-asa sa kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya pa, bukod sa kooperasyon sa kabuhayan at negosyo, palalawakin din ng Tsina at India ang pagpapalitan sa kultura, media at kabataan, para ibayo pang patatagin ang kanilang pagkakaibigan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |