Muling nag-usap kahapon sa New Delhi, Indya, sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Punong Ministro Manmohan Singh ng Indya. Sinang-ayunan nilang ibayo pang palakasin ang estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa tungo sa kapayapaan at katatatagan, at pasulungin ang pagtatamo ng bagong bunga ng kooperasyon.
Sinabi ni Li na ikinalulugod ng Tsina ang kasalukuyang pag-unlad ng relasyon sa Indya, at lipos ang pananalig niya sa relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Iniharap din niyang dapat palakasin ng Tsina at Indya ang estratehikong pag-uugnayan, pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, palakasin ang kooperasyong pandepensa, palawakin ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at maayos na hawakan ang isyung panghanggahan.
Ipinahayag naman ni Singh na mananatiling pinakamainam na magkapitbansa at magkatuwang ang Indya at Tsina. Nananalig aniya siyang sa pamamagitan ng pagdalaw ni Premyer Li, susulong nang malaki ang parntership ng dalawang bansa. Lubos ding sinang-ayunan ni Singh ang mga mungkahing iniharap ni Li hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa, at nagpahayag siya ng kahandaang aktibong ipatupad ang mga ito.
Salin: Liu Kai