Malaki ang natamong bunga ng magkakasanib na aksyon laban sa droga ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand sa Mekong River nitong isang buwang nakalipas. Ito ang inihayag kamakailan ni Lan Weihong, namamahalang tauhang Tsino sa naturang aksyon.
Isinalaysay ni Lan na sa loob ng isang buwan, nalipol ng 4 na bansa ang 560 kaso ng mga krimeng may kinalaman sa droga sa Mekong River, nadakip ang 812 suspek, at nasamsaman ang halos 2000 kilo ng iba't ibang uri ng droga, baril at munisyon.
Sinabi rin ni Lan na tatagal nang isa pang buwan ang naturang magkakasanib na aksyon laban sa droga.
Salin: Liu Kai