Sinabi kahapon ng Syrian Arab News Agency, opisyal na media ng bansang ito, na natuklasan ng tropang pampamahalaan sa Al-Qussair, bagong nabawing bayan sa gitna ng bansa, ang mga sasakyang militar na may plaka ng Israel at mga kasangkapan para sa lihim na pakikinig at pagmomonitor. Anang ulat, ipinakikita nitong nakikialam na ang Israel sa panloob na krisis ng Syria.
Sinipi rin ng naturang media ang pananalita ng isang tauhan ng pamahalaan na ayaw magpabunyag ng pangalan, na nagsasabing pinatutunayan ng naturang pagkatuklas, na ang mga sandatahang lakas ng paksyong oposisyon ng Syria ay tagatrumpeta lang ng Israel, Qatar, at Turkey.
Salin: Liu Kai