|
||||||||
|
||
Sinabi ng Premyer Tsino na matalik, malalim, at matapat ang dalawang pag-uusap kasama ang PM Indyano, at ang pinakamahalagang natamong bunga ay pagkakaroon ng komong palagay at pagpapalalim ng pagtitiwalaan. Buong pagkakaisang ipinasiya ng dalawang lider na ibayo pang palakasin ang estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Indya tungo sa kapayapaan at katatatagan.
Bilang kapwa malaking umuunlad na bansa at bagong sibol na pamilihan, matibay ang pundasyon para sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Indya. Sa mga pag-uusap na ito, gumawa ang dalawang lider ng kapasiyahan hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, kultura, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pang larangan.
Inamin ni Li ang pagkakaiba ng Tsina at Indya sa isyung panghanggahan. Pero, ipinahayag niyang dahil estratehikong magkatuwang ang dalawang bansa, maari nilang pabutihin ang mga mekanismong may kinalaman sa isyung panghanggahan, at maayos na kontrolin at lutasin ang pagkakaiba. Ipinahayag naman ni Singh na dapat samantalahin ng dalawang bansa ang umiiral na mekanismo, pangalagaan ang katatatagan sa rehiyong panghanggahan, at pasulungin ang paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Kapwa positibo naman ang dalawang lider sa pag-unlad ng relasyong Sino-Indyano sa hinaharap. Ipinahayag ni Singh na sapat ang espasyo ng daigdig para sa komong pag-unlad ng Indya at Tsina. Aniya, para maisakatuparan ang target na ito, dapat dagdagan ng dalawang bansa ang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan, at sa gayon, mapalawak ang kooperasyon. Sinang-ayunan naman ni Li ang palagay ni Singh. Dagdag niya, ang komong pag-unlad ng Tsina at Indya ay makakabuti hindi lamang sa Asya, kundi rin sa buong daigdig. Sinabi niyang ang mapayapang pakikipamuhayan at komong pag-unlad ng dalawang bansa ay magdudulot ng bagong tampok sa kooperasyong Asyano, at magpapasulong sa kabuhayang pandaigdig. Inanyayahan din niya si Singh na dumalaw sa Tsina, para ibayo pang mapasulong ang pagkakaibigan, pagtutulungan, at pagtatamo ng bagong bunga ng relasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |