NAGHAHANDA na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa idaraos na 51st International Eucharistic Congress sa Lungsod ng Cebu. Sa isang panayam kay Archbishop Jose S. Palma, Arsobispo ng Cebu at Pangulo ng CBCP, sa halip na sa buwan ng Mayo 2016 ay sa Enero na ng 2016 ito gagawin.
Ipinaliwanag ni Arsobispo Palma na sa pinakahuling balita mula sa Vatican, sinabi ng nangangasiwa sa schedule ni Pope Francis na mayroon ding malaking okasyon sa darating na buwan ng Mayo kaya't upang maiwasan ang lubhang mahigpit na schedule, uunahin na ang 51st International Eucharistic Congress.
Nasa desisyon na ng Santo Papa kung daraan pa siya ng Maynila o diretso na sa Cebu para sa okasyon.
Sa tatlong pagdalaw ng Papa sa Pilipinas noong 1970 sa pagbisita ni Pope Paul VI at ni Blessed John Paul II noong 1981 at noong 1995 ay sa Apostolic Nunciature sila nanirahan.
Kung magtatagal siya sa Cebu ay sa Residencia del Arzobispo de Cebu maninirahan si Pope Francis.