Kinumpirma kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinalaya na ng panig Hilagang Koreano ang pinigil na bapor-pangisda at lahat ng mga sakay na marinerong Tsino. Aniya, hindi nagbayad ang may-ari ng naturang bapor ng umano'y "penalty" o "ransom" sa panig Hilagang Koreano.
Ani Hong, humiling ang panig Tsino sa panig Hilagang Koreano na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa naturang insidente, at ipaliwanag ang resulta ng imbestigasyon sa panig Tsino. Dagdag pa niya, dapat isagawa ng panig Hilagang Koreano ang mabisang hakbangin para maiwasan ang muling pagkaganap ng katulad na pangyayari.
Salin: Vera