Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring naihaharap na katibayan ang panig Amerikano hinggil sa umano'y mga cyber attack ng Tsina sa kanila.
Winika ito ni Hong kaugnay ng sinabi ng panig Amerikano na dumarami kamakailan ang cyber attacks na isinasagawa ng panig militar ng Tsina sa website ng pamahalaan at mga kompanya nito. Dagdag niya, di-responsable ang pambabatikos ng panig Amerikano sa Tsina nang walang katibayan.
Sinabi rin niyang kinakaharap rin ng Tsina ang maraming cyber attacks mula sa Estados Unidos, pero hindi basta-basta sinasabi ng Tsina na ang mga ito ay kagagawan ng pamahalaan, mga kompanya, o indibiduwal na Amerikano.
Salin: Liu Kai