Kinumpirma kahapon ng Kagawaran ng Turismo (DOT) ng Pilipinas na kinansela na ng mga travel agencies ng Taiwan ang halos lahat ng mga nakatakdang tourist group sa Pilipinas, at umabot sa halos 9.5 libo ang kabuuang bilang ng mga turista ng naturang mga grupo.
Dahil hindi ikinasisiya ang paghawak ng pamahalaang Pilipino ng insidente ng pagkapatay ng Philippine Coast Guard ng isang mangingisdang Taiwanes, ipinataw ng awtoridad ng Taiwan ang mga sangsyon laban sa Pilipinas, na kinabibilangan ng pagpapalabas ng red alert sa turismo. Dahil dito, ipinahayag ng DOT na mawawalan ang Pilipinas ng 40 hanggang 50 libong turistang Taiwanes sa loob ng darating na 6 na buwan, at sa gayon, hindi anito maisasakatuparan ang nakatakdang target ng paghikayat ng mahigit 270 libong turistang Taiwanes sa taong ito.
Salin: Liu Kai