Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa New Delhi kay Pangulong Pranab Mukherjee ng India, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na bilang estratehikong magkatuwang at mapagkaibigang magkapitbansa, ang pagtutulungan ng Tsina at Indya ay may estratehikong katuturan para sa buong daigdig. Sinabi ni Li na nagkasundo na ang mga lider ng dalawang bansa hinggil sa pakikitungo sa relasyong Sino-Indyan batay sa pagpapalawak ng komong interes, pagpapasulong ng kooperasyon, pagsasaisang-tabi ng pagkakaiba, at pagpapalawak ng komong palagay. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng India para palalimin pa ang estratehikong partnership ng dalawang bansa para sa kapayapaan at kasaganaan ng Asya at daigdig, dagdag pa ng Premyer Tsino.
Sinabi naman ni Pranab Mukherjee na handa ang India na magsikap, kasama ng Tsina para pangalagaan ang mainam na kalagayan ng relasyong bilateral na di madaling natamo, at ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.