Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dadalaw sa 3 bansa ng Amerika; makikipagtagpo rin kay Pangulong Obama ng E.U.

(GMT+08:00) 2013-05-22 17:23:07       CRI
Ipinatalastas kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya nina Pangulong Anthony Carmona ng Republic of Trinidad and Tobago, Pangulong Laura Chinchilla ng Costa Rica, at Pangulong Enrique Peña Nieto ng Mexico, mula ika-31 ng buwang ito hanggang ika-6 ng susunod na buwan, magsasagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa naturang 3 bansa. Sa paanyaya naman ni Pangulong Barack Obama ng E.U., mula ika-7 hanggang ika-8 ng Hunyo, magtatagpo sina Pangulong Xi at ang Pangulong Amerikano Walter and Leonore Annenberg Estate ng State of California ng E.U..

Ang pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Barack Obama ay tampok sa naturang isang serye ng mga pagdalaw ni Pangulong Xi. Pagkaraan ng 2 buwan sapul nang manungkulan bilang Pangulong Tsino, idaraos ang pagtatagpo nina Pangulong Xi at Pangulong Obama at ito ay nagpapakitang lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong Sino-Amerikano. Bukod dito, ang lugar para sa nasabing pagtatagpo ay ang Annenberg Estate, kung saan natanggap na ang maraming lider ng iba't ibang bansa. Ipinahayag ni Ruan Zongze, Pangalawang Puno ng China Institute of International Studies, na ang pagtatagpo sa Annenberg Estate ay maaaring makapagkaloob ng maluwag na kapaligiran at sapat na oras para sa mga lider ng dalawang bansa na magsagawa ng estratehikong komunikasyon hinggil sa mga mahalagang isyu sa pagitan ng Tsina at E.U.. Ipinahayag niyang ito ay magiging isang pragmatikong pagtatagpo na may mataas na episyensiya. Ipinahayag rin ni Jin Canrong, Pangalawang puno ng School of International Studies ng Renmin University of China na ang pagtatagpo sa Annenberg ay isang bago at espesyal na paraan, at ito ay nagpapakita ng pagiging mature ng relasyon ng Tsina at E.U., at pasusulungin nito ang pagpapataas ng estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa. Ipinahayag rin ni Jin na malawak at malalim ang tema ng naturang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at E.U. na posibleng kabilangan ng estratehikong pagtitiwalaan ng Tsina at E.U., bilateral na relasyon, mga isyung panrehiyon at pandaigdig, bagong enerhiya, pagbabago ng klima at iba pa.

Bago ang pagdalaw sa E.U., opisyal na dadalaw si Pangulong Xi sa Republic of Trinidad and Tobago, Costa Rica, at Mexico. Ipinahayag ni Ruan na ang pagdalaw ni Pangulong Xi sa naturang 3 bansa ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa rehiyon ng Latin Amerika at Caribbean, at malawak na diplomatikong pananaw ng Tsina.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>