|
||||||||
|
||
Ayon sa komunikeng ito, magsisikap ang BRICS para sa kooperasyon sa mga sumusunod na limang larangan: pagpapahigpit sa sistema ng pagmomonitor sa kalusugan; pagpapababa ng hamon ng chronic disease; estratehikong teknolohiya laban sa nakahahawang sakit; medikal na teknolohiya; pananaliksik at paggagalugad sa gamot.
Binigyan-diin din nito ang kahalagahan ng teknolohiya para sa mga umuunlad na bansa. Ayon dito, kailangang itatag ang network ng kooperasyong panteknolohiya ng BRICS, pleksibleng gamitin ang Agreement on Trade-Related Aspects of Intellectual
Property Rights (TRIPs) para mapasulong ang paggamit, kaligtasan, pagkakabisa at pagpapataas ng kalidad ng gamot.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |