Bumisita kahapon si Phongthep Thepkanchana, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand sa China-ASEAN Center sa Beijing. Ipinahayag niyang salamat sa mahigpit na kooperasyon ng Ministri ng Edukasyon at Office of Chinese Language Council International at Pamahalaang Thai, maaaring mag-aral ang parami nang paraming estudyanteng Thai sa Tsina, at ito ay isang win-win situation.
Aniya, ayon sa regulasyon ng mga unibersidad ng Tsina na nasa Top 100 sa daigdig, kung makakapasa sa pagsusulit sa Wikang Tsino, maaaring mag-aplay ang mga estudyanteng Thai para makapag-aral sa Tsina. Ito ay nagkakaloob ng ginhawa sa mga estudyanteng Thai, at nakakabuti sa pagpapalitang pang-edukasyon.
salin:wle