Isiniwalat kahapon sa Paris nina Pangulong Francois Hollande ng Pransya at Punong Minsitro David Cameron ng Britanya, na sa pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Unyong Europeo(EU) na idaraos sa ika-27 ng buwang ito, hihimukin ng dalawang bansa ang Unyong Europeo(EU) na pawiin ang weapons ban sa oposisyon ng Syria. Samantala, ipinahayag din nila na dapat ipaalam ng oposisyon ng Syria sa EU ang kalagayan ng paggamit ng mga sandata.
Sinabi ni Hollande na dahil sa isyu ng sandata, ang kakayahan ng oposisyon ng Syria ay lubhang mahina kumpara sa kakayahan ng mga puwersang pampamahalaan nito. Binigyang-diin din niya na ang aksyong nabanggit ay naglalayong magbigay ng presyur sa pagbalangkas ng kasunduan hinggil sa pulitikal na paglutas sa krisis ng Syria, na posibleng marating sa pandaigdigang pulong sa isyu ng Syria sa Geneva, sa darating na Hunyo.