|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing kay Choe Ryong-hae, Espesiyal na Sugo ni Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, sinabi kahapon ng hapon ni Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina na umaasa silang maisasagawa ng iba't ibang panig ang aktuwal na aksyon para mapahupa ang maigting na kalagayan at muling maidaos ang Six-Party Talks, at nang sa gayo'y, maisakatuparan ang walang-nuklear na Korean Peninsula at pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Hilagang Silangang Asya.
Sinabi ni Choe Ryong-hae na ang layunin ng pagdalaw niya bilang Espesiyal na Sugo sa Tsina ay para mapabuti, mapahigpit at mapaunlad ang relasyon ng H.Korea at Tsina. Aniya pa, umaasa ang kanyang bansa na makakapagkonsentra sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, kaya, nakahanda silang lumikha ng mapayapang kapaligirang panlabas. Pinapurihan rin ng H.Korea ang pagsisikap ng Tsina para mapasulong ang pagpapanumbalik ng talastasan hinggil sa mga isyu ng Korean Peninsula.
Tinatanggap ng hilagang Korea ang mungkahi ng Tsina at nakahanda itong ang H.Korea na makipagdiyalogo sa iba't ibang panig.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |