Ipinahayag kahapon sa Ankara, kabisera ng Turkey ni Van Rompuy, Tagapangulo ng Konseho ng Unyong Europeo (EU) na kumakatig ang EU sa pagdaos ng pandaigdig na pulong sa Geneva hinggil sa isyu ng Syria para malutas ang krisis ng bansang ito sa pulitikal na paraan.
Ipinahayag ito ni Van Rompuy sa isnag preskon pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo kay Tayyip Erdoğan, Punong Ministro ng Turkey.
Sinabi rin ni Van Rompuy na patuloy na magsisikap ang EU, kasama ng Turkey at iba pang may kinalamang panig para mapanumbalik ang kapayapaan at katatagan sa Syria sa lalong madaling panahon.
salin:wle