|
||||||||
|
||
Sa pulong, sinabi ni Col (Rtd) Pengiran Dato Paduka Haji Azmansham Pengiran Haji Mohamad, Pirmihang Kalihim ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Brunei at Tagapangulo ng Pulong na nitong 10 taong nakalipas sapul nang itatag ang Pulong sa Patakarang Panseguridad ng ARF, nagkaloob ito ng mainam na plataporma para sa pagpapalitan ng palagay ng iba't ibang panig hinggil sa mga patakarang pandepensa at mga mainit na isyung panrehiyon, at ito ay isang mahalagang hakbangin para sa pagtatatag ng pagtitiwalaan sa rehiyong ito.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Chen na sa harap ng masalimuot na kalagayang panrehiyon at pandaigdig, dapat palakasin ng iba't ibang bansa ang kooperasyong pandepensa sa loob ng framework ng ARF. Ang diyalogo ay pundamental na paraan ng paglutas ng pagkakaiba, at ang pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan ay komong layunin ng iba't ibang kinauukulang panig. Dapat magsikap ang mga kinauukulang panig para makapagbigay ng bagong ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito at buong daigdig.
Sa naturang pulong, nagpalitan ang mga kalahok ng mga palagay hinggil sa mga temang tulad ng kalagayang pangkaligtasan sa rehiyon at daigdig, pagpapalakas ng kooperasyon sa kaligtasan ng Internet at iba pa. Ipinalalgay ng iba't ibang kinatawan na dapat palakasin ng mga departamento ng suliraning pandepansa ng iba't ibang bansa ang kooperasyon at pagpapalitan para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |