Ngayong araw, sinimulan ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, ang 3 araw na pagdalaw sa Myanmar. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng isang PM ng Hapon sa Myanmar nitong nagdaang 36 na taon. Kasama rin ni Abe sa kanyang pagdalaw sa Myanmar ang mga ehekutibo ng mahigit 30 bahay-kalakal na Hapones. Tinataya ng media na sa pagtatagpo nina Shinzo Abe at Pangulong Thein Sein ng Myanmar sa ika-26 ng buwang ito, tatalakayin ng dalawang panig ang mga temang kinabibilangan ng pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhunan sa Myanmar, pagpapalawak ng tulong ng Hapon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng Myanmar at iba pa.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na pinahahalagahan ni Shinzo Abe ang nakatagong lakas ng pag-unlad ng kabuhayan ng Myanmar. Kasabay nito, pinahahalagahan rin niya ang estratehikong katayuan ng Myanmar sa larangang pulitikal at pangkaligtasan. Ang layunin ng kanyang pagdalaw ay komprehensibong mapatatag ang bilateral na relasyon ng Hapon at Myanmar.
Salin:Sarah