Nagpulong kahapon ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para pag-aralan ang usapin ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal. Binigyang-diin sa pulong ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC na dapat tumpak na pakitunguhan ang relasyon sa pagitan ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran.
Sinabi ni Xi na dapat ituring ang pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran bilang mahalagang paunang kondisyon para sa pagpapaunlad ng kabuhayan, at hindi dapat paunlarin ang kabuhayan kapalit ng kasiraan ng ekolohiya at kapaligiran. Dagdag pa niya, kung pinahahalagahan lamang ng mga lokal na opisyal ang pagpapaunlad ng kabuhayan at ipinagwalang-bahala ang pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran, sila ay makakatikim ng kaparusahan.