Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananatili ang mainam na relasyon at malawak na kooperasyon ng kanyang bansa at Myanmar. Lipos aniya ng pananalig ang panig Tsino sa pag-unlad ng relasyon sa Myanmar.
Kaugnay naman ng mga plano ng Hapon at Myanmar ng pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan, sinabi ni Hong na pabor ang Tsina sa pagpapaunlad ng Myanmar ng normal na relasyon sa iba't ibang bansa, at pagsasagawa ng kooperasyon batay sa pagkakapantay-pantay, para mapasulong ang sariling kabuhayan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.