|
||||||||
|
||
Dumalo kahapon dito sa Beijing si Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Organization of African Unity (OAU). Ang resepsyong ito ay itinaguyod ng mga diplomatang Aprikano sa Tsina.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Zhang ang maringal na pagbati sa mga bansa at mamamayang Aprikano. Ipinahayag din ni Zhang na magsisikap ang Tsina kasama ng mga kaibigang Aprikano, para komprehensibong maisakatuparan ang bungang natamo ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Aprika noong nagdaang Marso.
Pinasalamatan naman ni Demeke Mekonnen, espesyal na sugo ng kasalukuyang tagapangulo ng Unyong Aprikano (AU), at Pangalawang Punong Ministro ng Ethiopia, ang ibinibigay na tulong at pagkatig ng Tsina sa Aprika sa mahabang panahon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |