Dumalo kahapon si Wang Yang, espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping, at Pangalawang Premyer ng Tsina, sa AU Summit bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Organization of African Unity (OAU). Bilang kinatawan ng bansang Asyano, binasa ni Wang sa summit ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng pangulong Tsino na buong tatag na kakatigan ng Tsina ang magkakasamang pagpapalakas sa sarili at proseso ng integrasyon ng Aprika. Ipinahayag din niya ang kahandaan na magkakasamang pasulungin ng Tsina at mga bansang Aprikano ang bagong estratehikong partnership ng dalawang panig.
Salin: Li Feng