|
||||||||
|
||
Muling nanawagan ngayong araw si Kim Hyung-suk, Tagapagsalita ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea, sa Hilagang Korea na aktibong tugunan ang mungkahing niharap ng kanyang bansa tungkol sa pagdaraos ng diyalogo sa pagitan ng dalawang Korea.
Sa isang pahayag nang araw ring iyon hinggil sa mungkahing iniharap ng Hilagang Korea ukol sa magkasamang pagdaraos ng selebrasyon ng "Komong Deklarasyon ng Timog at Hilaga," sinabi ni Kim Hyung-suk na tinanggihan ng Hilagang Korea ang mungkahi ng panig Timog Koreano na idaos ang diyalogo sa pagitan ng mga pamahalaan hinggil sa isyu ng Kaesong Industrial Park. Sa kabilang dako, iminungkahi naman ng Hilagang Korea na idaos ang selebrasyon, kasama ng Timog Korea. Kaugnay ng naturang "double attitude," nagduda ang panig Timog Koreano sa katapatan ng panig Hilagang Koreano.
Anang pahayag, kung talagang ninanais ng Hilagang Korea na mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa, dapat isagawa ang diyalogo sa pagitan ng dalawang pamahalaan, sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |