|
||||||||
|
||
Nagtalumpati kahapon ng umaga (local time), sa Potsdam, dakong Timog-Kanluran ng Berlin, Alemanya, si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Ipinahayag niyang hindi maaaring tanggapin ng hustisya ang anmuang salita o aksyon na nagbibigay-katuwiran sa mapanalakay na kasaysayan ng mga Pasista. Aniya pa, hindi maitatanggi ang mga tagumpay na nakamit ng mundo laban sa Pasismo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).
Ang Potsdam ay kabisera ng lalawigang Brandenburg ng Alemanya. Noong ika-26 ng Hulyo ng 1945, ang Potsdam Conference ay idinaos dito, at magkakasamang ipinahayag ng mga ministrong panlabas ng Rusiya, Amerika, at Britaniya ang Potsdam Proclamation na humihimok sa Hapon upang sumuko.
Sinabi ni Premyer Li na ang pinagdausan ng Potsdam Conference ay isang lugar kung saan ipinadala ang ultimatum sa Hapon, at sa banding huli, humantong sa pagsuko nito. Kaya ang lugar na ito aniya ay may mahalagang katuturang pangkasaysayan. Ang pagsuko ng Hapon ay hindi lamang tagumpay ng mga mamamayang Tsino, kundi, tagumpay din ng mga mamamayan ng buong daigdig, dagdag ng Premiyer Tsino.
Sinabi ni Li na ang prinsipyong itinakda ng Potsdam proclamation ay mahalagang bahagi ng kaayusang pandaigdig, kaya dapat pangalagaan ito, at hindi maaaring itanggi ang bunga nito noong WWII. Binigyan-diin niyang sa ika-8 regulasyon ng Potsdam Proclamation, inulit ang prinsipyong itinakda ng Cairo Declaration, na dapat isauli ng Hapon sa Tsina ang mga islang sinalakay nito na tulad ng mga islang nasa Taiwan at sa mga lalawigan ng Hilagang Silangan ng Tsina. Ipinahayag ni Premyer Li, na ito ay mahalagag bahagi ng kaayusang pangkapayapaan pagkatapos ng WWII, at dapat pangalagaan ito ng buong sangkatauhan.
Dagdag pa ni Li, ang kasaysayan ay obdiyektibo. Dapat aniyang tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan, saka lamang malilikha ang magandang kinabukasan. Sinabi niyang nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng katarungang pandaigdig, at lahat ng mga mamamayang may pag-ibig sa kapayapaang pandaigdig, para mapangalagaan ang kaayusan ng mundo pagkatapos ng WWII at mapayapaang pag-unlad nito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |