Ayon sa pahayag kahapon ng isang opisyal ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Iraq, nangyari nang araw ring iyon sa kabiserang Baghdad ang di-kukulangin sa sampung (10) insidente ng pagsabog ng kotse. Nasa tatlumpu't apat (34) na katao ang naitalang namatay, samantalang isandaan at limampu't limang iba pa ang nasugatan.
Wala pang anumang organisasyon o indibiduwal ang umaako ng responsibilidad sa naturang insidente.
Ayon sa datos ng website na "Iraqi Body Count," hanggang kamakalawa, umabot na sa anim na raan at pitumpu't walong (678) sibilyan na ang namatay sa teroristikong pagsalakay at marahas na sagupaan sa buwan lamang ng Abril.
Salin: Li Feng