Sa kanyang pakikipag-usap kahapon dito sa Beijing sa kanyang counterpart na si Tharman Shanmugaratnam ng Singapore, ipinahayag ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina na positibo ang Tsina sa mapagkaibigang relasyon sa Singapore. Sinabi niya na nitong 23 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, naging mabunga na ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, lalo na sa high-tech, palitan ng mga tauhan, pinansya, at pamamahala sa lipunan. Nagkaroon din aniya ng proyekto ang dalawang panig sa Suzhou, Tianjin, at Guangzhou. Sa harap ng bagong situwasyon, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore, para ibayo pang mapahigpit ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan, totohanang ipatupad ang mga nakatakdang proyekto, at pasulungin ang pagtutulungan sa mga bagong aspekto, dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Tharman Shanmugaratnam na nakahanda ang Singapore na ibayo pang palalimin ang pragmatikong pakikipagtulungan nito sa Tsina sa iba't ibang larangan at pasulungin ang relasyong bilateral ng dalawang bansa sa bagong antas.